Sa wakas! Sakses tayo ngayon dahil gawaa na yung grades. Nasa last part na ako which is encoding sa educsuite. Bukas ko ito gagawin pag-uwi galing sa bahay. 3 stages, pag-check ng exam, pag-grade sa class record at huli yung pag-enocode sa online. Pumasok tuloy ako sa alaala NCBA at OLFU noon. Ang swerte ng mga bata, online na grades nila. Samantalang kami noon, class card pa kami.
Salamat nakakapanood na ako ng teleserye sa gabi. Bukas excited din ako mag-live sa StarMaker. Gagawin ko lang lahat para dumami followers ko. Nag-e-enjoy ako sa paggamit ng StarMaker. Natatanggal stress ko. Nang matapos ko ang grade, kumain ako ng street foods. Imagine 22 sections kaya enjoy naman kahit matrabaho.
Sa bakasyon gagala ako. Tuloy iyon. Tsaka pahinga kahit maiksi lang dahil balik na sa June ang klase. 6 days na lang nalalapit ang age kong 40. Lord thank you. I'm still lucky kasi hindi lahat umaabot ng 40. I hope tumagal pa. Gusto ko maranasan yung mga bahay na pangarap ko. Speaking pala ng online naiinis ako kasi paputol putol ang connection ko sa globe. Bakit ganun? Dati hindi naman. Tapos sa Caloocan mabilis naman.
Kung ako pala ang tatanungin sa question ko sa essay sa exam. Both siguro ang pipiliin ko. Kailangan magaling ka mag-exercise at kailangan matalino ka rin. Hindi nakakababa ng pagkatao ang hindi ka matalino tapos magaling ka mag-exercise. Huwag ka mahiya kung hindi ka matalino. Ang sarap sa pakiramdam na tumanda ka at healthy ka. Yung aabot ka sa pagiging Lolo at Lola. Tapos kukulubot ang balat mo.
Karamihan sa sagot ng mga students ko ay pagiging matalino. May point naman sila. Ang Physical Education na subject ay pampalakasan. Kapag nag-aaral ka nito, mas lumalakas ang pangangatawan mo, tumatagal ang resistensya mo. Kailangan ito sa trabaho at sa mga major subject na may practical ito dahil dapat malakas ang katawan mo. Minor subject man ang PE, pero mahalaga ito.
Malapit na eleksyon. Dalawa pa ang bakante sa iboboto ko. Dapat subukan natin yung mga bago at expert na sa politika. Kung ako siguro ay papasok sa politika. Siguro sa baranggay ako lalahok. Tapos friendly ako sa mga tao o yung constituents. Dahil college faculty ako, ang proyekto ko ay literacy training sa mga kabataaan at hindi nakapag-aral o yung out of school youth. Para matuto sila at huwag maging mangmang.
Pero malabo na iyan. Kasi ang focus ko ay magturo sa college of senior high school. So far yun muna ang focus ko. O siya maaga pa ako bukas. Sa susunod na uli.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento