Kanina after ng class ko pumunta ako sa BIR Novaliches. Bumaba ako sa Quirino Highway tapos sabi ni manong driver na sa Jordan Plains ako sumakay papunta roon. Akala ko maliligaw ako. Buti na lang binaba ako ni manong driver ng Jordan Plains sa mismong BIR. Akala ko matagal ang proseso sa pagkuha ng kopya ng number. Yun pala mabilis lang pala.
Ginamit ko yung PWD ko sa pila at yun priority ako. Mabilis na binigay sa akin yung number ko. Pagkakuha sumakay na ako ng bus sa Tungko. Bago sa pagsakay bumili ako ng lumpiang toge kasi gutom na ako sa katunayan. Bago rin ako sumakay ay nag-message na ako kay Jayvie yung HR staff kung ano ang number ng aking Tin.
Bago iyan ay tapos na ang Major Exam ko sa PE 4. Nag-enjoy naman ang mga bata sa paglalaro ng volleyball. Nag-rosary ako kanina. Ayun ang dami kong dasal. Kasama na yung sana makapanood ako ng concert ni Mariah. Pinag-iisipan ko pa kung sino yung last 2 na iboboto ko na senator. Sana maayos na yung tubig dito San Jose. Dapat may tubig na rito 24 hours.
Sa holy week ang kutob ko ay magche-check ako ng mga pre-final exam. Tapos paalala ko sa mga students ko na huwag magmadali na gumawa ng final requirement. Bibigyan ko naman kayo ng oras para diyan. Ang init dito sa amin sa San Jose napabili ako ng Fundae sa 7/11 dito sa Pecson. Magkaroon sana tayo ng peaceful na holy week.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento