Nanood ako ng libreng sine sa SM San Jose del Monte. Action film ang libre tapos ang title Ballerina. Umpisa pa lang hindi ko na gusto ang pelikula. Pero tiniis ko at tinapos ko hanggang uli. Kung ganito ang pelikula mas okay kung cartoon siguro. Wala akong say sa special effect kapag foreign ang pelikula. Saludo ako kapag Hollywood sa ganitong pelikula.
Puro patayan ang eksesa. Matuwa sa woman empowerment dahil ang babae. May tinatawag din tayong justice dahil happy ang ending. Siguro itong pelikulang ito ay dapat bigyan din ng pansin sa mga pelikula na ginagawa rito sa Pilipinas lalo na malayo na ang narating ng Hollywood. Sa aking paningin sumasabay naman tayo at tumatapat na tayo.
Nabenta ko na yung luma kong radio. Gagamitin ko yung pera para bukas o gumala. Sana may magpagawa na sa akin. Ang tumal ng academic commissions. Masaya ako kay kuya na siya na ang may ari ng radio. May bago na akong radio kaya nabenta ko. Ang dream ko talaga yung may kasamang cassette tape o CD player kaya lang hindi na uso.
Isa ako sa mahilig makinig ng radio. Nakakalawak ng imahinasyon ang pakikinig ng radio. Dati ako sa DM 95.5 sa Pinyahan pa noon hanggang sa gabi gabi at masarap na pakiramdam sa biyahe habang may radio. kahit matanada na ako makikinig pa rin ako ng radio. Kahit hindi na uso ng radio, mahirap din siguro alisin ang medium na ito dahil may mga matatanda pa rin o kahit bata ang nais makikinig Dito.
Ang sarap na parang bumili ako sa pagkabata. May family computer uli ako. Baka sabihin niyo na naiinggit ako sa kapitbahay namin kaya ako bumili. Para matanggal din ang stress ko kaya naglalaro ako ng itong laro. Ang playstation ay mahal na laruan. Pero may ilan pa rin ang tumatangkilik sa family computer na hindi nila panahon.
Dahil naman bakasyon ito na muna siguro. Ang purpose ko pa rin ay pagbebenta. Ang dami kong nilalako ngayon na dapat mabenta na. Namuhunan talaga ako sa sweldo ko. Sa family computer kapag bagot ako, maglalaro ako lalo na kapag sabado ng gabi. Abangan ko na ang ending ng PBB Collab. Dagdag ko yung bago kong relo pagpasok ko sa work. Nagpalit na ako para ready na.
Sa pagtatapos nitong blog. Konti na nga lang Pera ko. Attend kayo ng webinar. Suportahan niyo ako para magamit sa pamasahe sa work. Marami akong kailangan sa pasukan. Hindi natin masabi kung ano ibigay na subject. Tapos nalulungkot ako na umalis na yung dati kong kasama work. Ubusin niyo na ang mga paninda ko mababa lang patong. StarMaker push na tayo 9.9K followers. Love you Itchiebabes. Abangan ang mga susunod uli na post. Love you all. Thank you for reading.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento