Marami akong nalaman sa pagtuturo ko ng PE. Mas lalo na akong napamahal sa subject. Hindi naman po ako perpekto pero salamat sa nairaos ko ang subject na ito sa isang semestre. Salamat at binigyan ako ng pagkakataon na maituro ko ito ng unang semestre kaya mas napagaan ko ang turo ng ikalawang semestre.
Salamat kay Ma’am Joy Aquino at Ma’am Joy Naturales, Dean Adalem at sa mga VP at kay President Adalem sa tiwala na ituro ko ang subject na ito. Malaki ang kinalaman ng students sa pagbubuo ng subject na ito. Kung wala sila, wala ang subject na ito. Magkaiba ang HM na PE sa Com Sci. Pero wala naman mali. Oo nga nasabi ko sa PATH-FIT na sana sports na ang PE tulad namin noon. Kaya lang wala tayong magagawa kasi nabago ang curriculum.
Maganda rin naman ang exercise. Magaan. Wala halong kaplastikan ito ah. Sa totoo lang pala-exercise ako nung bata ako. Nabuking ko pa na leader ng exercise noon. Napansin ko na hindi gusto ng mga bata ang exercise. Gusto nila sports agad na sa second year pa nila gagawin iyon. Bilib talaga ako sa magaling mag-exam. Pero iba rin yung flexible ang katawan na marunong mag-exercise.
Oo ginamit ko sa Binibining Pilipinas ang exam. Pero talagang matalino ang gusto ng mga bata. Tapos konti lang ang exercise. Importante ang paghaba ng buhay ng tao. Bilib ako sa pumili ng exercise. May area tayo na tinatawag na modular at graduating, binigyan ko sila ng espasyo kasi mga nagtatrabaho na sila.
Nagagamit ko na rin ang kwarto sa St. Clare College. Naiiwasan ko na rin ang undertime kasi ang mga bata laging nagmamadali umuwi. Sana yung mga pagkakamali ng batch na nauna ay maayos sa batch na darating. Maraming exercise ka na mahahanap sa video. Natutuwa ako sa matatalino kasi alam na alam nila ang exercise.
Minsan hindi ako nakukuntento sa matalino. Tinitignan ko yung kabutihan, yung magalang, yung mahusay sa practical. Kasi kung basehan lang ang talino ay hindi ito sapat lalo na Physical Education ang subject na ito. Sa Rhythmic Activities yung husay sa pagsayaw. Parang 50 / 50 ang sukatan sa subject na ito. Lumalabag pa rin sila. Ginagawa sa labas at sa bahay na sana huwag at sa school na lang gawin.
Iiwasan ko na rin magsungit din sa mga bata. Kasi minsan ginagawa ko iyon baka mamihasa naman kapag mabait ako. PE 3 naman ang dapat ko tutukan sa first semester. First time
din ito at sana tulungan din ako ng mga students sa PE 3 na sana mas marami naman ngayong semester. Salamat pala kay Ma’am Bergado kasi sa pag-aasikaso niya sa mga klase namin.
Salamat din sa maintenance sa pag-asikaso sa mga upuan ng bata. Tinulungan nila ako para makabuo ng klase. Sana sa PE yung tulad ng binanggit ng mga students na pagandahin ang facilities at equipments ng mga manlalaro ng PE. Maganda na ngayon kasi nananalo na tayo sa Olympics. Nananalo na tayo sa mga international competition.
Sana ang mga susunod na henerasyon o darating na batch ay bigyan nila ng halaga ang PE na kahit minor subject ito o additional subject sana bigyan ito ng importansya na pantay ang tingin sa major subject. Tandaan hindi mabubuo ang subject kung wala ang PE. Pampalakas ito ng katawan na kakailangan niyo sa hinaharap para magtrabaho.
Sana rin ay maisipan din nila bumili ng PE uniform para maging madali sa kanila ang pag-aaral ng PE. Hindi rin porket uno ka sa klase eh ikaw na ang pinakamagaling. Maari ka pang tapatan ng nakakuha ng mababang grade sa aspetong moral at educational. Wala sa grade ang pagiging mahusay ng isang bata lalo na sa PE na practical ang tinitignan sa isang student na nag-aaral.
Sa pagtatapos nito. Dapat paunlarin ang subject na PE. Palawakin natin ito at pagyamanin parang wala batang nalulungkot na mag-aral ng subject na ito. PE ay pahalagahan at bigyan ng kapangyarihan na tutulong sa mga bata na maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento