Natapos ko na basahin ang book ni DJ Chacha. Nagsimula ang aklat sa pinagpalit sa kamukha ni Kokey. Nagsimula na akala ko dati perfect ako. Until ipinagpalit ako ng ex-boyfriend ko sa babaeng kamukha ni Kokey. Yes guys, literal na magkamukha sila. Kung pwede nga lang sanang i-publish ang mukha niya dito para maniwala kayo ginawa ko.
Nesxt part naman na medyo ay gitna ay tungkol sa pwede pa bang maging good boy ang isang bad boy? Ayon kay DJ Badji: Pwede. Kung pwedeng maging bad boy ang good boy, edi pwede ding maging good boy ang bad boy. Lahat naman ng tao pwedeng nagbago. Iba-iba nga lang ang paraan ng pagbabago. Pero pwedeng nagbago.
Sa bahaging medyo gitna rin ng aklat ay kanyang inilahad na hindi ba talaga emotional ang mga lalaki? Ayon kay DJ Bryan: Not as emotional as women. Pero may sensitive side din ang mga lalake. Iba lang talaga kami mag-express ng emotions. Madalas pag nasasaktan ang babae, umiyak. Minsan, pag nagagalit ang mga lalake, akala niyo galit lang, yun pala, galit sila dahil nasasaktan sila.
Sa huling bahagi ng aklat ay pasasalamat ni DJ Chacha. Inuna niya ang magbasa. Ikaw na may hawak ng librong ito. Sa huli, si Sir Mars, kung hindi dahil Sayo ayon sa book, wala lahat ito. Isa ka sa mga unang nagtiwala sa akin, pero ikaw, hindi ko alam kung ano ang mo sa akin, kung bakit sobra ang pagkagusto mo sa akin. Sir Mars, na hindi ka nagkamali sa pagpili sa akin?
So ang review ay nakakatawa ang book na ito. Tanggal ito ng lungkot at lumbay.May konsepto rin ito ng feminismo dahil binibuhat ni DJ Chacha ang kababaihan sa kanyang aklat. May part na hindi pwede sa part ng bata. Pero kung adult ka basahin mo ito. Common din naman yung problems na nailahad dito na medyo modern din naman plus point. Halimbawa yung second chance and sex ang topic.
Maganda ang book na ito at finally nabasa ko na. Natawa ako sa terminong vakler. Akala ko babanggitin din niya rito yung baybayi na bisexual ang termino niya sa radyo. Sana magkaroon ng talk show si DJ Chacha Kasi maayos siya magpayo tulad ng Magandang Buhay show o Kada Umaga. More on love, relationship and sex ang team ng kanyang aklat na may matutunan ka naman kapag nabasa mo ang kanyang libro.
Hinuli talaga niya ang pasasalamat. Lumilitaw na tumatanaw ng utang na loob si DJ Chacha sa mga taong tumulong sa kanya. Waiting ako kung magkaka-book 3 ito. I hope iba naman. Focus sa personal experience niya as media personality. Basahin niyo ang aklat na ito. Hindi lang ito tulong Sayo bilang babae. Kung hindi pagbubukas ng isipan mo at puso kung ano pwede mong gawin kapag humarap ka sa problema. At kung may sagot ang aklat na ito. Gamitin mo para maging aral sayo ang turo at gabay ni DJ Chacha.
Mabuhay ka DJ Chacha. Nasa radyo ka pa lang, listener mo na ako. Na-achieve ko na rin na basahin ang book mo. Patuloy mo sana gawin na mang-inspire ng mga kababaihan sa sulat mo at sa programa mo sa TV at radyo. Saludo ako sa aklat mo. Mabuting kang tao at Ina. Mabuti ka sa mga mambabasa. Sa mga tagapakinig at tagapanood. Mabuti ka sa lahat. Natatangi ka.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento