Kanina nanood ako ng sine sa SM San Jose del Monte. Call Me Mother ang pelikula. Maganda naman. Sagot ito sa mga naunang pelikula ni Vice Ganda. Napanood ko na kasi ang mga dati niyang pelikula. Uso pa nga ang pirated. Yung dati na ang pelikula na And The Breadwinner Is na namatay ang character ni Vice Ganda at kumindat bilang Flight Stewardess na natawa ako sa ending.
Muntikan na akong maiyak sa eksena. Kung hindi lang ako nakarinig ng I Don't Wanna Cry kaya hindi ako naiyak. Si Nadine Lustre ang dahilan kung bakit malaki ang kinita ng pelikula. Kung hindi maganda si Nadine Lustre, mahaba buhok, role na beauty queen eh hindi magiging malaking hit ang pelikula. Hindi pa rin nawawala ang estilo ng pagpapatawa ni Vice Ganda.
Si John Lapuz malaki rin ang naitulong niya sa pelikula na kaakibat ni Vice Ganda sa pelikula. Deserving si Vice Ganda bilang Best Actor sa comedy at arte niya bilang nanay pero lalaki sa katotohanan. Si Lucas Andallo deserving na manalong Best Child Actor sa MMFF. Ito ay pelikula sa Film Festival. Sa totoo lang I'm Perfect talaga ang gusto kong mapanood kaya lang okay na sa akin itong Call Me Mother.
Yung mga supporting na maraming character mula sa PBB na mga bata ay malaki ang naitulong sa pelikula. MC, yung mga beauty contestant, si Iya, Chanda, marami pa na big casting ay tumabo talaga sa takilya ang pelikulang ito. Salamat sa Star Cinema at Viva Films. Kada comedy natatawa na naman ako.Hindi naman lahat tawa, may iyakan, confrontation, dagdag comedy at marami pa. Akala ko talaga comedy lang ang pelikula. Crying ang kidney scene at yung sino mag-aalaga sa bata. Touch din ako sa social worker scene..
Congratulations Call Me Mother sa pelikulang ito. Asahan ko kay Vice Ganda na bida lagi na mas okay pa ang pagpapatawa. Iwasan na natin masyado ang maraming lait sa comedy. Pero okay lang naman kung yung ang gusto mo. The last, online ako nanood ng film mo. Ngayon sinehan na. Okay sa akin kung dito uli ako manood. Kasama ko ang mababait na senior citizens at PWD at regular na nanonood na walang discount. Pinupuri ka namin Vice Ganda sa pagganap mo sa pelikula. Mabuhay ka!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento