Masarap din pala maglaba ng Huwebes. Tapos ngayong Friday mas nabawasan ang gawain ko. Tapos na ako kumpanta sa StarMaker. Happy naman ako sa kinalabasan ng live ko kanina. Buti naman wala na ako dun. Waley sa akin ang paglapit nila. Maganda talaga ang kursong educational management kasi sakop na trabaho mula president pati non teaching position.
Sa Sabado may lakad ako. Hindi muna ako magsisimba ng healing mass sa Tungko. Kasi matagal ang misa doon. Medyo nagbabawas nga ako ng gagawin ko this year. Siyempre iwas nga naman sa stress. Bili kayo ng mga binebenta. Sana maubos na ito. Konti na lang ang pera ko kaya kailangan na mag-sell. Sana may bago akong clients na dagdag sa mga dati kong clients na classmates ko rin naman. Para may kasama sila.
Dahil bagong taon naman sikapin ko na magbigay ng mga bagong tuklas o kaalaman sa mga nasasagap kong kaalaman sa mga paaaralan o lugar na pagkatuto. Ito ay base sa aking kaalaman at nasa inyo naman kung paano niyo tatanggapin o kung paano niyo gagamitin ang ibibigay kong kaalaman. Ito ay mula sa akin pagkakaalam.
Journalism - o pamamahayag sa Filipino. Ang pamamahayag sa Filipino ay pagpapahayag o pagbabalita sa isang lugar, pook o lunan na may kaakibat sa pagsunod sa elemento ng balita. Ito rin ay pag-uulat sa kaganapan ng isang lugar. Kasama na rin dito ang tampok, documentary, editorial, opinion, imbestigasyon, at marami pa na saklaw ng Journalism. Sa Journalism ay maaring makita sa medium ng pahayagan, telebisyon, radyo at internet. Napakaimportante na sa pamamahayag na sumunod sa etika ng mamamahayag. Kurso ito sa kolehiyo na kinakailangan sa pagtatrabaho para magpatuloy ang gawain ng mamamahayag na magbigay ng impormasyon sa mga mambabasa, tagapakinig kasama na yung tatanggap ng imporamsyon.
Love ko talaga iyan natapos kong Journalism. Hindi ko pinagsisihan iyan na inaral ko sa college. Buti natapos ko ng four year kahit di ako cum laude na alam kong curse. Tapos nakatulong talaga ito sa akin sa work. Sa pagtuturo nakatulong ito ng malaki sa work.
Happy Friday. Happy weekends! See you again. Kita kits. Enjoy this day. Love you all. Spread my blog. Thank you for reading.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento