Kapag naman sa mga artista sa larangan ng pag-arte marami rin akong iniidolo. Una na riyan siyempre ang nag-iisang superstar na si Nora Aunor. Hindi ko makakalimutan ang Himala at Flor Contemplacion Story. Ang galing ng pagganap niya rito.
Sunod naman dito si Vilma Santos sa palikula niyang Anak at iba pa. Sunod dito si Maricel Soriano sa pelikulang Separada at Filipinas. Humanga ako sa kanya rito. Si Sharon Cuneta naman sa Madrasta.
Idol ko rin si Judy Ann Santos sa pelikulang Mara Clara at Magkapatid. Idol ko rin si Claudine Baretto sa mga teleserye niya kasama si Angelu De Leon.
Idol ko rin si Donna Cruz nung 90's sa pelikula kasama si Nora, hindi ko sure kung Bilangin ang mga Bituin sa Langit ang title.
Sunod mga kaedaran ko na si Anne Curtis, Camille Pratts, KC Concepcion at Angel Locsin. Magagaling silang mga artista.
Idol ko rin si Jade Lopez at Nadine Samonte sa Starstruck. Mahusay silang umarte.
Napahanga rin ako sa kabutihang asal ni Kises Delavin.
Sa ngayon napapahanga ako kay Nadine Lustre, Charlie Dizon at Janine Gutierrez. Mahubusay ang mga kabataang ito sa pag-arte.
Idol ko rin yung mga side actress tulad ni Carmina Villaroel sa Abot Kamay Na Pangarap. Magaling yung pagganap ng nanay ni Jillian Ward na idol ko rin bilang young star ngayon.
Mahusay gumanap na kontrabida si Sheryl Cruz sa Atty Lilet Matias. Habol ko na rin pala. Siyempre nga pala si Eugene Domingo sa Here Comes The Bride niyang pelikula.
Sana madagdagan pa at dumami pa ang mga magagaling na aritsta dito sa bansa para umunlad ang sining natin. Mabigyan ng buhay natin na puno ng problema.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento