Ito yung mga teachers na humubog sa akin kaya pinili ko ang propesyon na pagtuturo.
Teacher ko nung preparatory. Hindi ko na tanda name pero naalala ko pumunta sila sa bahay ko nung birthday ko dati.
Si Mrs Bnguilan nung Grade 2 at Mrs. Ancheta nung Grade 3. Magagaling silang mga teacher. Very strict magturo. Iba yung kaliber nila.
Si Ma'am Refuerzo sa Grade 4 salamat sa karangalan na top 6 ako sa klase, at Ma'am Ancheta na binigyan ako ng dalawang ribbon na Most Cheerful at Most Active.
Si Mr. Lubao sa Grade 6, doon ako nagkaroon ng gana na mag-aral ng science. Napakabuti niyang teacher. Siya ang ticket ko para makatuntong ng high school.
Si Ma'am Obligacion. Siya ang P.E. teacher ko nung high school. Naalala ko ginawa niya akong leader sa exercise namin sa klase. Nakaka-inspire mag-aral.
Si Mrs. Tan na social studies teacher ko nung 2nd year high school. Sa kanya ako na-inspire magturo ng social sciences subjects like Philippine History at Asian History. Kasama na si Ma'am De Leon nung third year ako.
Si Ma'am Baral na chemistry teacher. Adviser din namin siya sa Iii-Turquoise. Na-inspire kong pagbutihan na mag-aral sa klase niya para bumuti ang section ko sa 4th year.
Si Ma'am Santos sa Payatas. Dahil sa kanya nakalusot ako ng CAT at nag-cheering. Lagi ako nasa lugar niys after class. Kahit strict si Ma'am Santos, nakikita ko na may soft spot siya lalo kay Perkin John.
Si Ma'am Salazar yung adviser namin sa subject na Math. Naalala ko lagi akong sagot ng sagot sa discussion niya sa klase. Siya rin ang tulay ko para makatuntong ng college.
Itong mga halimbawa na teacher na ito ay dapat pamarisan ng mga guro. Proud ako na naging teacher sila at babaunin ko ang mga aral na binigay nila sa akin para ituro rin sa mga bata ang turo na binigay nila sa akin.
Salamat po Ma'am/Sir sa turo niyo. Mabuhay kayong mga teachers.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento