Marami na talaga ang nagkalat na Fake News sa kapaligiran natin lalo na sa Social Media. Ang mga Pililino kasi madaling nagpapaniwala agad kaya nabibiktima agad ng Fake News.
Huwag ka basta magpaniwala sa Fake News. Sumisira ito sa impormasyon na nasasagap ng tao kung ano ang totoo o hindi. Kung hindi agad diretso sa isipan mo ang pagsagap mo ng Fake News, madali para sayo na hindi ito paniwalaan. Mas pabor sa iyo ang news na makatotohanan.
Ito yung halimbawa para maiwas ka sa Fake News. Para sa akin lang naman. Tulong ko po sa inyo.
1. Limiin mong mabuti kung ano ang balitang nakalap.
2. Alamin ang source kung karapat dapat ba itong paniwalaan.
3. Kung ang source ay credible o hindi. Mabuting alamin mo ito.
4. I-reaearch mo kung totoo ang impormasyong nakalap mo sa balitang napanood, napakinggan o nabasa mo.
5. Kumuha ka ng impormasyon sa ibang sources kung totoo o peke ang nasagap mo na balita.
6. Kung nalaman mo na kung peke o hindi saka mo sabihin sa sarili mo na totoo yung balitang narinig. Kailangan hindi lang 2 source dalat 3 to 5 pa.
Ang payo ko lang sa nanonood ng balita, sumasagap ng impormasyon o tsismis, alamin mo kung totoo ito o peke. Kapag peke ang balita, hindi ito matibay. Madali itong masira. Dumepende ka sa tunay na balita na sa ngayon mahirap masagap dahil sa gulo ng daigdig. Kahit ang mga mahuhusay na eksperto ay hirap din sa pagbibigay ng tunay na balita o impormasyon.
Ako para sa akin hindi ako naniniwala basta basta sa mensahe na nasasagap ko sa news. Depende na lang talaga kung totoo. Umiwas ka sa Fake News, lalo ka maghihirap. Sa Fake News hindi ito tumutulong sa pag-asenso ng bansa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento