Kagabi inaabangan ko sa YouTube ang Miss Universe Philippines. Ang tagal bago magsimula. 8pm ang sabi nila. Pero nagsimula ito 8:30pm.
Naabutan ko ang top 20 at announcement ng top 10 expected ko magsasalpukan ang mga kandidata sa labaan na si Alexie ng Iloilo at Ahtisa ng Quezon province.
Nakatulog na ako. Kung hindi lang commercial baka naaabutan ko pa ang top 5. Sana sa MUPH 2025 ay huwag na maraming commercial para mas engganyo panoorin ang palabas.
Nakita ko na lang online na nanalo si Miss Bulacan na si Chelsea Manalo. Proud ako kasi taga Bulacan. Expected ko na si Ahtisa o si Alexie ang mananalo.
Sa napanood ko deserving si Miss Bulacan. Dagdag point yung ganyan morena tulad kay Venus. Sana ngayong taon ay makapasok tayo sa top 5 sa Miss Universe.
Congratulations sa mga mananalo. Mabuhay ang gandang Pilipina. Mabuhay ang women empowerment at lahing Pilipina na maipagmamalaki sa buong mundo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento