Mahalaga ang subject na PE. Binigyan ko ng halaga ito nung tinuro ko ang Gymnastics sa Microlink. Lumalakas ang katawan nila kapag ginagawa ito sa klase.
Mahalin mo ang PE. Kapag hindi mo mahal ang PE, hindi ka aangat dito. 2 units ito sa college. Counted din itong grade na ito kung running ka ng Cum Laude.
Majority naman ng klase gusto nila ang PE. Ngunit may Ilan dito na ayaw din nila. Hindi natin sila mapipilit. Ang tanging magagawa lang natin ay maituro ang nilalaman ng subject na ito. Yung lesson.
May students na angat sa PE magaling sila sa subject na ito. Intellectually and practically mahusay sila. Dun ako bilib sa husay nila sa subject.
Ang PE ay dessert sa hapag kainan. Saging sa ulam na karne. Dessert na nagbibigay ng kumpletong nutrition na nakukuha ng college students.
Ang PE ay maaari rin ayuda sa gobyerno. Ayuda na nagbibigay lakas sa sinuman tatanggap nito. Nagbibigay ito ng tulong upang ang psychomotor ng bata ay umangat.
Ang PE ang make up ng isang artista. Kung walang make up ang isang artista, hindi ito magiging maganda sa harap ng camera. Nagbibigay ng ganda ang PE sa pag-aaral.
Mahalaga ang PE dahil sila ang dahilan kaya tayo lumalakas. Importante ang PE. Kasi ang PE ang nagbibigay ng kabuuan sa buong kurso na inaaral ng bata.
Huwag tanggalin ang PE sa subject sa kolehiyo. Magiging sakitin ang mga bata. Magiging matamlay kung mawawala ang PE. Babagsak ang sports ng ating bansa.
Sa pagtatapos marami pa akong ihahandog sa pagtuturo ng PE nariyan ang malaman na karunungan inihahatid ng subject na ito. Marami pang dapat matutunan ang bata sa PE. Sa pagkatuto nila, aangat ang edukasyon natin. Kakaunti ang maghihirap.
Maraming salamat PE dahil sa iyo, nabuo ang subject ng mga bata kolehiyo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento