Bakasyon na namin sa St. Clare College of Caloocan. Pero kaming mga faculty ay gagawa pa ng grade. Dalawang section na ang tapos ko. So meron pa akong 20 sections pa. Target matapos ko ito next week. Kasi may deadline kami. Ma-mi-missed ko ang mga students. Kasi kung nasa St. Clare pa ako sa pasukan. Puro first year ang hawak ko tapos sila second year.
Itong araw na ito nagpunta ako sa Graduate School ng University of Caloocan City. Ibaba pa lang nila yung online application nila. So maghintay pa ako. Interested ako mag-aral sa kanila kasi mura tuition. Pag-usapan din natin ang election. Walo sa binoto ang manalo. Target ko sa 2028, siyam naman o sampu. Gusto ko magsulat ng review of saloobin sa lipunan natin.
Sobrang saya ko na nakapagturo ako ng Philippine Tourism, Geography and Culture at hindi ako sobra nag-adjust sa pagtuturo ko rito. Gusto ko next week hindi na makalat ang kwarto ko. Nakikita natin sa election na mas okay na ang panahon na ito. Hindi maganda ang mga ugali ng mga comments sa social media. Ganun na ata ang Facebook. Nag-iba na.
May bago na akong Tumblr. Balak ko sana pumunta ng EARIST for inquiry sa Graduate program kaya lang malayo raw sabi ni Mama. Nalungkot sa UCC na wala na yung 50% half payment sa tuition. Sana ibalik nila yung ganun rule. Nasaan na kaya si Ate yung dating staff ng Graduate School. Happy semester break sa ating lahat. Mabuhay ang tertiary studies.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento