Nakakalibang ituro ang subject na ito. Naaliw ako at naalala ko ang geography subject ko sa Grade 4 at 1st year high school. Problema lang na online class ito. Sinalo ko ang subject na ito at willing talaga ako na ituro ito sa mga bata. May limit din kapag sa Catholic school mo ituturo ito kasi bawal lumaban ang mga bata para gumawa ng proyekto.
Sa brochure na peridiocal test ko kahit hindi expert ang mga students sa paggawa. Matutuwa ka naman sa effort na ginawa ng mga students. Nakakatawa sa mga students na may halaga sila sa Turismo ng Pilipinas sa pagtuturo ng subject na ito. Willing din ang mga naging students ko na mag-work sa Department of Tourism kung bibigyan sila ng chance.
Isa sa approach na dapat kong ipasok sa mind ng mga bata na maging mas more expressive sila sa subject. Dapat mas pahalagahan nila ang Pilipinas sa pamamagitan ng paglaganap ng Turismo nito sa mga kakilala nila at kaibigan. Sa video review sana ay maipakilala nila ang Turismo ng Pilipinas sa pagpapalabas ng video nito sa mga kakilala nito.
Term paper ang final requirement ko parang preparation nila sa pagsulat ng research tungong thesis kung saan magagamit nila ang Philippine Tourism sa pagsulat nila ng gusto nilang study na gagawin sa pagtatapos nila ng kurso. Pansin ko na halatang hilaw pa sila sa pagsusulat pero may ibubuga sila pagdating sa laman ng kanilang papel. Wala na rin yung kopya sa internet na ginagawa dati ng mga students noon.
Sana maituro ko uli ito sa second semester. Tapos nagsimula ito sa umpisa. Hirap ako dahil 7am ito pero tiniis ko para lang sa mga bata. Kung gaano kagaling ang batch na ito ay sana matapatan ng susunod na batch ang sususnod na batch na darating. Salamat kay Ma'am Joy Aquino sa tiwala na binigay sa akin na ituro ang subject na ito.
Sana dumami rin ang mga reference ng Philippine Tourism na gagamitin ko sa pagtuturo. Tapos yung makagawa ako ng video requirement na hindi na nila kailangan lumaban. Tapos isang rin na periodical na naisip ko sa umpisa ng sem ay yung folder ng tourist spots sa Metro Manila/NCR. Para madali lang sa kanila sa umpisa. Dapat creative ah para mataas ang grade.
Hindi ko makakalimutan ang subject na ito na tinuro ko sa St. Clare College. Sana madagdagan pa ng iba na kaya ko ituro. Ang mga subject na ito. Tulad ng Personality Development, Entrepreneurship, Asian History, major subject sa Filipino, iyan ang mga subject na tinuro ko na para sa akin ay special at memorable. Sana madagdagan pa ito at lumawak pa ang kaalaman ko sa pagtuturo.
Ang serbisyo ng education dito sa St. Clare College ay maganda. Sulit ang binayad niyo kung dito kayo nag-aaral. Hinihikayat ko kayo na mag-aral sa college na ito.
Kung ang Physical Education ay mahalaga na subject. Ang Philippine Tourism naman ay dagdag sa hapag kainan ng Isang tao. Sa paglitaw ng grade ng mga students na mataas ang kanilang marka. Lumilitaw na mahusay ang mga bata sa St. Clare College. At bilib ako sa kanilang husay.
Mabuhay ang Turismo ng Pilipinas!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento