Habang nanonood ako sa YouTube ng coronation night ng Miss Universe Philippine ay sumusulat ako rito sa blog. Kapag nakuha natin ang ikalimang crown sa Miss Universe, mapalad tayo at malakas pa rin ang training ng MUP sa mga kandidata natin. Pero sa totoo lang ang lalakas ng mga panlaban natin ngayong taon. Naalala ko noon nung sila Theresa Licaros pa ang lumaban nahilig ako sa ganyang pageant.
Ang purpose ng pageant ay women empowerment, diversity, inclusive, femininity, courage, platform at advocacy. Ito yung mga bagay na dapat gawin ng mananalo sa pageant. Naalala ko noon nanalo si Pia kasi nagtuturo pa ako sa Fatima noon. Sa NCBA si Venus naman, binabalita ng mga students ko kung anong placement ng Philippines sa Miss Universe.
Thailand ang host ng pageant. Hindi natin alam. Kaya naman ng Philippines manalo sa ganyang host country. Pero malay natin maiba naman. Try natin black naman. Kasi di ba maraming nagsasabi na si Miss Nigeria raw ang dapat manalo against Denmark this year. Pwedeng ganun. Africa o Asia ako malay natin. Pwede rin back to back sa Europe country natin.
Happy ako kung hindi Bulacan ang manalo ngayon. Sino ba favorite ko MUP. Wala eh sa totoo lang. Lahat sila favorite ko. Lahat sila mahal ko kasi nilaban nila sa abot ng makakaya ang Philippines. Sa mga students ko mahalin niyo ang Miss Universe Philippines ah. Tradition natin iyan. Bahagi iyan ng ating kultura. Tayo ang powerhouse pagdating sa pageantry. Sabi nga ng mga historians. Nauna pa nga tayo sa kanila.
Miss Universe ay bahagi ng ating buhay. Ang Miss Universe ang kasiyahan ng daigdig. Selebrasyon ito ng mga kababaihan. Sisterhood ito ng Isang babae, nangangarap. Maabot ang pangarap ntong maging reyna ng mundo. Sana manalo na rin Thailand sa Miss Universe. Yung Colombia na dalawa pa lang. Sweden din na palaban di sa Miss Universe. Yung mga countries na hindi pa nananalo.
Hindi ako kritiko ng Miss Universe. Nanonood ako ng Miss Universe para malibang at purihin ang babae. Huwag sana pabayaan ang Miss Universe. Alam ko kahit wala na ako may Miss Universe pa rin. Balik tayo sa cook festival issue. Malalakas ang panlaban natin. Hindi lang siguro gusto ng mga judge. Oo nga pala sana makapanood ako ng Miss Saint Clare.
Sa pagtatapos, malinaw na dapat ang Miss Universe ay mas pabongga ng pabongga habang dumadaan ang panahon. Mas pagyamanin natin ang goal ng Miss Universe na makatulong sa nangangailangan. Bukas naman ang MUP sa concerns at kaya naman nila baguhin ito basta sa ikabubuti. Sa maraming alam sa Miss Universe. Nariyan si Dr. Wendel Capili ng UP Diliman sa maraming alam sa mga kandidata at advocacy ng Miss Universe.
Salamat sa pagbabasa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento