Natapos ko rin ipasa ang grades kanina. Buti success at natanggap din. Nagpunta ako sa Fairview. Medyo matagal yung printing. Buti nandun si kuya yung magaling magprint. Wala na yung dati kong student na si Bentoy. Pagkatapos ko maipasa ang grades ay dumaan ako sa simbahan para nagsimba. Hindi ko na naumpisahan pero dumalo pa rin ako.
Pagkatapos ng misa ay kumain ako sa McDonald's. Iba na ang pag-order Ngayon. De pindot na. Iba na talaga ang technology ngayon. Pahinga muna ako next week tapos mag-business muna ako. Yung USB ay ibaballik ko na sa June. Hindi ko na iiwan sa guard para di na mawala. Sa akin na mismo kunin ng student yung USB nila.
Pag uwi bumili ako ng spaghetti at milk tea na cheese cake sa Pecson. Sana maayos na yung traffic sa Malaria. Kapag nagawa na yung train sana makabawas sa traffic ng Quirino Highway ang train na darating. Maraming na-realize sa 2nd sem. Iyan yung difference noon na face to face sa online na. Nakita ko sa Fairview ang daming nagpapagawa ng book bind galing St. Clare. Mura kasi dito ang book bind.
Sa pagtatapos nitong blog. Mahusay ang mga students ko sa 2nd sem. Magaling kayo. Pagaling ng pagaling ang mga students ngayon. Excited ako sa mga susunod na semester. Salamat Lord for giving me this semester. Aayusin ko na po sarili ko para tumagal ako sa work. Lord kayo pong bahala. Ginagawa niyo naman lahat para sa ikabubuti ko.
Happy vacation sa lahat! And see you!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento