Pagkagising ko ng umaga, inuna ko na ang paglalaba ko ng damit. Hindi naman marami. Pero next week sabay na ito sa bed cover at cover pillow ng higaan ko. Akala ko hindi ako makakalaba pero ginawa ko na para okay na ako next week. Naisingit ko rin ang pagbabasa ng libro at pagpapatugtog ng music. Buti live ang Eat Bulaga kanina. Natawa ako sa kabilang palabas.
Healing mass ay halos ang tagal natapos. Kailangan ko ang langis lalo na may sipon ako at ubo tapos medyo mainit pa. Marami akong dinasal sa simbahan. Humingi rin ako ng kapatawaran sa Diyos dahil mga nagawa kong kasalanan. Salitan ako salitan kong Grocery. Ngayon sa Savemore ako namili. Next week sa Puregold naman. Para balance ang gamit gg card. Nakapili na rin ako ng regalo sa pamangkin ko sa Pasko. I hope mabigay na sa Lunes ang 13th month pay ko.
Gusto ko pa ng mainit na kape. Para mahismasmasan ako sa lamig ng amihan. Nagsulat ako kagabi ng dream book ko. Ise-sell ko ito sa marketplace at dito sa San Jose del Monte. Target ko ang 50 plus pages, hardbound tapos may medyo maraming kita ang abutin ko rito. Gusto ko na magkawork sa November at sana mangyari na ito para may pera ako sa Pasko.
Nagpagupit ako. Ang napili kong gupit ay crew cut. Ayun wala naman sinabi si Mama na pangit ang gupit ko. Nagustuhan ko rin naman. Abangan niyo ang profile pic ko sa bukas sa mga social media ko. Ito na ang huli kong gupit sa 2025. Sa Enero 2026 na yung next. I hope ito next haircut ko ay makatanggap ako ng maraming blessings mula sa taas. Nanonood ako ngayon concert ng mga bands sa GTV. Naalala ko tuloy yung college ako na nakapanood ako ng live ko noon ng ganitong concert.
Happy Friday sa inyong lahat, Happy weekends! See you again. Love you all.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento