Sa katunayan wala pa akong kopya ng album ni Mariah Carey na Here For It All. Finally after 7 years na paghihintay namin mga lambs ay naglabas na uli siya ng album. Never din ako nakapanood ng concert ni Mariah Carey dito sa Philippines. Nagkakataon na wala akong work kapag nagko-concert. Pero siguro kapag retire na ako makita ko lang siya happy na ako. Sa tulong Ng Spotify at YouTube music at pag-download sa online ay nakakuha ng digital copy ng kanta na mp3, na siguro naman ay hindi masama.
Kung ang Rainbow album niya sa akin ay 10 ang rating out of 10. Ang Here For It All naman ay 8.5 to 9.5 out of 10 ang rating. Hindi na ako nagtataka na welcome pa rin si Mariah Carey sa music industry kahit may bago na ngayong sikat na musician sa Ameica. Kung hindi na matunog si Mariah Carey sa America malamang sa ibang bansa lalo na sa Asia ay kilalang kilala pa rin siya. Salamat Mariah at hindi ka nagagalit sa Philippines at hindi rin naman kami magagalit sayo kasi malaki ang impluwensya ng musika mo sa aming mga Pilipino.
Type Dangerous, nung lumabas na ito na una niyang single. Iniba na siguro ni Mariah Carey ang release niya sa unang song. Nung Caution sa GTFO, mabagal na R&B ang kanta, ngayon medyo mabilis na R&B naman ang ginawa ni Mariah Carey sa pag-release niya ng single. Imagine malakas pa ang kasikatan ni Mariah dahilan umabot ng million views ang kanyang music video na key sa kanya para manalo na MTV Video Music Awards na Besr R&B.
Bago rin lumabas ito ay lumabas din ang winning prowess ni Mariah Carey sa icon award sa BET na kauna-unahan niya rin award na natanggap. Kapag ganito na nga ang edad ng isang singer ay pagpalain naman ng diyos ang kanyang paghihirap. Sa Sugar Sweet na napakasarap pakinggan sa tainga. Totoo walang tapon sa mga kanta ni Mariah Carey mula debut album, compilation album at itong studio album. Hindi man na-reach yung sikat na Type Dangerous, itong Sugar Sweet ay masarap pakinggan sa tainga ang kantang ito.
Malaki ang naitulong ni Shenseea & Kehlani sa kanta. Hindi naman siguro kailangan ni Mariah ng big collaborators sa kanta. Siyempre kung musician ka nga naman, mas iisipin mo ang quality kaysa sa kasikatan. Baka masumpa ang album mo kapag ganun. Sa Play This Song na kanta naman, na may chismis na may something daw kuno si Mariah at Anderson, siguro kailangan may ganito para mapag-usapan ang kanta. Naturalmente na nangyayari talaga iyang kapag may promotion tayong tinatawag sa Isang kanta.
Kutob ko ata baka Mi ang huling single ni Mariah sa kanyang latest album. Itong song na ito mabilis na R&B. Mimi kasi ang nickname niya. Kaya Mi na ang nangyari. Pagpapakilala siguro ito ni Mariah bilang isang singer. Opening pa lang ng album, maganda na ang song. Inaasahan kung ito man ang last single maging bongga sana ang video. Tulad ng Honey ni Mariah na video o Dreamlover.
Sa In Your Feelings Track, ang gusto ko siguro track na ito ay yung magaan na kanta na ramdam ko sa kanta. Talagang may patunay sa mundo ng R&B genre. Gusto ko pakinggan yung chorus na mabilis na line ng song. Ang favorite ko rito ay yung Nothing Is Impossible. Ballad at R&B ang tunog ng kantang ito. Binigay din niya ang soul niya sa kantang ito. Uplifting, inspirational at gamot sa mental health at depression ng isang tao. Parang Hero song niya na kailangan natin sa panahon ngayon.
Confetti & Champaigne, hindi naman sa hindi ko favorite ang song na ito. Hindi ako mahilig sa alak. Pero I love confetti. Maganda itong song na ito kapag ayaw mo mabagot sa buhay. Recommended itong track na ito sa gusto makinig ng R&B niya. Sa I Wont Allow It, good vibes din Ang opening. Relate din sa Type Dangerous. Maganda rin ang mensahe ng song na hindi papayagan ni Mariah ang mga bagay na humahadlang sa kanyang buhay. I remember X Girlfriend na song ni Mariah sa Rainbow album.
Medyo gusto ko rin ang My Love na track SA album. Bakit? Kasi yung usapin ng love songs na ginagawa na ni Mariah Carey noon pa. Tapos R&B slow Ang dating ng kanta. Sino kaya ang lalaking ito? Hindi kaya si Anderson o yung collaborator ni Mariah sa pagsulat ng kantang ito. Like Fly Like A Bird na hope ko i-perform ni Mariah sa Grammy Awards ang song na Jesus I Do. Very inspirational din ang song na ito na mahalin at sundin natin si Jesus. Best and perfect song na maka-collaborate ni Mariah ang The Clark Sister. Bravo this song Mariah.
At ang huli na kinakugulat ko bilang lambiliy ay yung theme ng album na Here For It All. Ang haba ng song pero very good at excellent. Maganda yung orig track. Kung hinabaan man niya siguro para maipakita niya sa mga fans yung totoong meaning ng album. Yung binigay lahat ni Mariah sa mga lambiliy ang pagmamahal, pasasalamat at pagsuporta ng kanyang musika. Congratulations Mariah for winning sa Grammy ng Person of the Year at sana manalo ka rin sa Billboard next year, makopo mo ang R&B at Pop category. Simula pa lang iyan sa MTV may karugtong pa iyan.
Yung criticism ko rito. Siguro halos wala naman. Sana umabot Ng 14 tracks. Pero kung 11 pwede na. Sa WeSing nga 10 lang kailangan album na. Pagbati sa iyo. Salamat pumunta ka uli sa MOA. Nasa cart ko na uli ang Christmas album mo. Alam ko darating Ang 20th number single mo. Hindi ka pa laos. Malakas pa ang kinang mo. Mahal ka namin mga lambiliy. 100% naka-support kami sa iyo. Mabuhay ka at iyong musika! Lalo na ako nung kabataan mo nasaksihan ko ang music ups and downs. Ngayon ups ito at congratulations uli.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento