Nagsimula ito sa pandemya. Sa totoo lang ayaw ko sana isulat ito. Pero hangga't may oras ako, magsisimba ako. May mga panahon na hindi ako nakakapagsimba. May panahon naman na nakalimot si Father sa basbas ng tubig. Pangarap ko rin naman na makita si Father Marvin sa personal pero baka matagal pa. Maganda yung sermon. Mabilis ang misa niya kaya gusto ko.
Ina ng Laging Saklolo ay madalas namin dasal. Yung pagpapagaling ni Padre Pio at Sta. Lucia ay gusto naming dasal habang ginagawa ang healing mass. Maganda ang Gabay Aral. Marami silang natutulungan. Gusto ko sana magbigay kaya lang sa Tungko yung hulog ko sa simbahan. Okay naman daw sabi sa sagot nila.
Hangga't may oras at panahon, manonood ako lagi ng misa sa Gabay Aral. Gusto ko rin yung bahagi ng pagbabasbas ni Father Marvin sa may sakit, sa tubig at sa senior citizen. Tapos yung pagbabasbas sa image at rosaryo ay gusto ko rin. Kapag binabanggit ni Father Marvin ang point of reflection, ako bilang manonood ay tagos sa puso ang kanyang sermon.
Salamat dahil mamaya magmimisa ako. Isa ito sa panata ko. Simula 30 years olds ay napapadalas na ako magsisimba. Hindi na rin ako hihinto at lagi ko itong gagawin. Salamat. Maraming salamat. Abangan uli ang susunod na post.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento