Ngayong Oktubre, dalawang pelikula ang napanood ko. Hindi ko alam kung sa Nobyembre ay makakapanood pa ako ng libre. Unahin muna natin ang review sa Tron Ares na binigyan ko ng marka 7.5 to 9 ata (check niyo sa TikTok ko). Hindi ako mahilig sa action at adventure. Tanda ko rito ay yung gamit ng technolohiya sa pelikula.
Maganda ang special effects. Iba talaga kapag Hollywood ang palaban. Yung climax ng pelikula kung saan natalo yung kontrabida. Naawa ako dun sa nanay ng creator nung part na namatay siya. May Asian na bida na sana mapadalas ang pagganap ng mga Asyano sa pelikula. Para nakikilala ang kanilang talento sa buong mundo. Maganda ang wakas pinakita sa huli kung ano ang ganap sa mga bida pagkatapos talunin ang kontrabidang babae na itim pa. Napakapangit naman pagturin sa itim bilang masama ang portrayal.
Sa pelikulang Quezon na drama pero maraming beses tumawa ang audience sa sine na kasama kong seniors at PWD. Sana history na lang at Hindi na drama. Siguro kung drama ay yung part na pinapakita na sakit ni Quezon sa pelikula. Maganda ang casting at pagpapaganap. Hindi rin papatalo ang special effects sa mga Hollywood. Huwag sana makalimuta ng mga bata ngayon pati guro kung sino si Qiezon sa kasaysayan bilang ating presidente sa nakaraan.
Gusto ko yung ng kampanya. Yung mga natatagong kwento kay Quezon na hindi natalakay sa history. Sa pagturo ng Philippine History sa NCBA, ang tanda ko sa aklat ay tungkol sa proyekto niya, mga nagawa at yung kamatayan. Si Sergio Osmena ang pumalit sa kanya Nakikita ko naman na mabuti ang intensyon ni Quezon sa bansa. Iba ang panahon noon sa panahon Ngayon kung pag-uusapan natin ang politika sa Pilipinas.
I hope itong pelikulang ito ay panoorin. Maraming aral at lessons kang mapupulot dito. Congratulations kung makakakuha ng best supporting actor at actresses sa awards ang pelikulang ito. Malaki ang laban nito kasi tumatalakay ito sa kasaysayan. Hindi na ako magtataka na manalo si Jericho Rosales ng best actor sa pelikula. Kaya mataas ang rate na binigay dito. Siguro baka matalakay ko ito sa mga klase ko kapag may oras. Nabuhay na naman ang kasaysayan nito.
Salamat, hindi ko sure kung sa November kung makakapanood pa ako. Pero ang pelikula ay sa puso ko. Una ang pagtuturo, pagnenegosyo, Musika, pelikula, aklat/literature, social media at marami pa. Abangan niyo ang mga susunod ko pang post. Salamat! Mabuhay ang pelikulang Pilipino!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento