Maaga ako uli nagising. Kahapon bago ako maubusan ng load, nag-download ako ng mga dating albums ni Mariah Carey. Ito lang ang tagal ma-transfer ng isa kong files sa CP kong isa. May ubo pa rin Ako sa ngayon. Ulan namin ay isda tapos salamat kay Malaya Verdan sa pagbayad niya sa short story ko. Yung kwento ni Penelope ay bumuhay din sa laban ng pagkakaibigan na may dagdag exposure sa women empowerment na tinatawag.
Malapit na ang undas. Sana mairaos natin ito mga Pilipino. Mapagmahal tayo sa mga patay na pinapakita ang pagpapahalaga sa pagpunta natin sa cemetery para gunitain ang mahal natin sa buhay para bigyan ng halaga. Salamat sa diyos at bumangon ako ng maaga. Marami na naman akong labahan bukas. Tapos excited ako baka kasi magpagupit na ako ng buhok.
Pag-usapan natin ang mga showbiz personalities. Kaya marami ang nababalita nating namamatay ay dahil madali na ang access natin sa information. Hindi tulad noon na mahirap makakuha ng balita. At marami na rin ang tao sa mundo kaya nakakabalita tayo ng mga kamatayan sa celebrities. Sana November 3 na, kasi kailangan ko mag-apply ng work.
Sana magkawork pa ako ngayong November. Kaya panay dasal ako sa Diyos na magkaroon. Yung sanaysay ko tungkol sa Edukasyon, lipunan, politika at singing ay sana maramdaman nila yung kahalagahan ng pagbigay ng palagay sa issue na ating kinakaharap ngayon. Yung na kasi ang next ko na binebenta ngayon.
Maraming salamat sa pagbabasa niyo ng aking blog. Hintayin niyo na ang next kong post na mapapadalas na sa ngayon. Kita kits!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento