Finally nagsimba na uli ako sa Tungko. Buwan ni Mama Mary ngayon kaya tinakpan yung krus na simbolo sa tapat ng church. Nagpalagay uli ako ng langis. Dadalasan ko ito para mawala yung mga karamdaman ko. Kapag may time, pakikinggan ko yung bagong album ni Taylor Swift. Balik GC na rin ako sa Facebook. Focus ako sa Facebook, Twitter, Instagram at TikTok. GoShare lang kasi ako sa data ko.
Akala ko Sabado na. Napagkakamalan ko lately ang Friday ay Saturday. Nag-download ako ng Christmas album ni Christina Aguilera. Sana Wednesday para makapag-follow up na ako. Gusto ko ng career shift yung hindi lagi turo. Pero kung iyon ang ibibigay bakit ako tatanggi? Lalo na 40 na ako. Plan ko mangaroling uli rito sa amin sa Borlan. Kung sakali wala akong work.
Ganito pala ang feeling kwarenta. Ang daming nangyari. Tuyo na kaya damit ko? Wish ko sa Encantadia ay maraming magic scenes. Tapos maganda special effects. Bili pala kayo ng kuwintas 20 bente lang isa, maganda siya.
Walang maisip
Ganito wala ako masyado maisulat ngayon. Pero sayang data at gusto ko may mailagay ako.
Kapag nakikita ko ang MAFEL na paborito kong bus line. Naalala ko nung bumibiyahe pa ako tungong UP o say Cubao. Sana kahit hindi madalas ay makasakay pa rin ako sa bus na ito.
Magpagaling po tayo. Hindi lang sakit sa katawan ang dapat natin pagalingin, pati sa sakit sa pag-uugali. Tulad ng pangungurakot na ginagawa ng mga Pilipino. Ito mismong sakit na ito na matagal na ang dapat natin hilumin.
Gusto ko magsimba sa Grotto. Miss ko uli ang Grotto. Abangan niyo yung Christmas playlist ko sa StarMaker.
Pinapalayo ko si Weewee dito. Istorbo habang nagsusulat ako. Sa lahat ng supporters ko, maging okay kayo palagi. God bless sa inyo. Happy weekends.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento