Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2025

Kadiwa, UAAP Cheer dance at Ganap sa Weekend

Kahapon inatasan ako ni Mama na bumili ng bigas sa kadiwa. Ito yung programa ni PBBM na bente kilo bigas. Naglaba muna ako ng damit. Maaga na ako gumigising at hindi na ako nagpupuyat. Bandang tanghali pumunta na ako sa baranggay. Walang pila kaya madali akong nakakuha ng bigas. Nauna si Papa kaninang umaga. Bali dalawang limang kilong bigas meron kami ngayon. Salamat kay PBBM sa ganitong programa ng gobyerno. Malaking tulong ito sa amin. I suggest sana itong 20 kilong bigas ay hindi lang dapat sa mga seniors at PWD. Dapat para sa lahat. Tulad ng sinabi ko sa TikTok. Sana bawat miyembro ng pamilya ay makakuha ng ganitong uri ng programa ng gobyerno. Para masaya lahat ng mga Pilipino. Sabado umulan dito sa Graceville. Bago mag-alas dos, nagbrownout. Sobrang badtrip ako kasi manonood ako ng cheerdance sa TV. Kung kailan may TV na ako sa kwarto, saka naman nag-brownout. Ayun ang option ko, manood sa Facebook live. Pero eto sa bagal ng signal ng globe, paputol putol ang signal na pinapanoo...

The Iwas Sawi Project (Book Review at Pananaw)

Nakakatapos na naman ako ng isang libro na babasahin. Ito ay ang The Iwas Sawi Project na sinular ni Marcelo Santos III at Rhadson Mendoza. Sa unang bahagi na aklat ay tinalakay nito na lahat ng tao ay nakaranas nang ma-broken hearted - unless Isa ka sa mga swerteng taong may immunity kay Tadhana and I guess, walang ganun. So yes, nasaktan ka rin noon o masasaktan pa lang dahil ganun magtrabaho si Destiny. Sa gitna naman na bahagi ng aklat tinalakay nito na napakahirap nga naman talaga kapag naranasan mo ang ganitong format ng relasyon. Yung hawak mo ang kamay, pero hindi naman sayo. Para bang hindi mo alam ang susunod na bwelong gagawin mo dahil alam kung ano  kung ano ang patutunguhan ng relasyong mayroon kayo. Sa huli naman na bahagi ng aklat ay tinalakay nito na ang pagiging sawi naman, hindi yan totally maiiwasan. May mga nasasawi sa larangan ng trabaho, pangarap, pag-aaral, relasyong sa pamilya at sa ibang tao. Maraming 'pain' tayong mararamdaman sa future pero ang libron...

Meet, Greet and Bye (Movie Review at Pananaw)

So eto na nga. Pinalabas na sa mga seniors at PWD ang pelikulang Meet, Greet and Bye. Ang habang ng pila. Sana napanood niyo ang video ko sa YouTube na nandoon ako sa sinehan. Hindi maman ako naiyak sa pelikula. Pero na-feel ko yung puso ng pelikula. Alam ko yung feeling ng may cancer. Kasi ganun din ako. Na nagkaroon din ako dati ng cancer. Lahat ng cast mahusay ang pagkakaganap. Lalo na si Piolo Pascual, joshua Garcia, Juan Karlos at ang Diamond Star na si Maricel Soriano. Nakakatawa na nakakaiyak ang pelikulang ito. Pinaparamdam nito na dapat mahalin natin ang ating pamilya. At huwak sumuko sa oras na may pagsubok na kinahaharap sa bawat miyembro na pamilya. Pagdating sa ganito, mahusay talaga ang Star Cinema na mag-produce na ganitong pelikulang na tema tungkol sa pamilya. For sure may makakatanggap ng award ang isa sa mga cast ng pelikulang ito sa award giving bodies like Star Awards, FAMAS, Urian at Luna Awards. Sa pelikulang ito, pahalagahan niyo ang pamilya niyo. Blood is thick...

Sa Bahay Lang Ako

Sabado, hindi na ako madalas gumagala. Hindi pa rin nawawala sa usapin ang Miss Universe na naganap kahapon. Ang dami nang usapin ang naganap sa bansa natin. Nariyan na yung flood control project na binansagang ghost. Yung issue ng droga na kinakaharap ng ating pangulo. Tapos yung sentensya ni Alice Go sa issue ng POGO sa Tarlac. Sa katunayan kahit marami tayong problema, nagagawa pa rin ng mga Pilipino na ngumiti at maging masaya sa kabila ng maraming problema. Next week ang aabangan ko ang UAAP cheer dance competition na gaganapin sa Sabado next week. Panoorin ko ito sa One Sports sa TV dito sa kwarto na first time kong gaganapin. Tapos sana mapanood ko ang Meet, Greet and Bye sa Tuesday sa sinehan. Tuloy pa rin ako sa pagbebenta online. Bili naman kayo. Pm niyo lang ako. Sa kabila ng problema ng bayan, ang laban ni Ahtisa sa Miss Universe ang siyang nakabawas sa hirap na natatamasa ng Pilipino sa araw-araw na pamumuhay nito. Hindi ako mahilig sa drama, after Pepito eto na nagsulat n...

Miss Universe 2025

Friday araw ng coronation night ng Miss Universe. Maaga ako natulog kagabi. Ang aga ko gumising. Kaya hinintay ko na magsimula ang Miss Universe. Sa A2Z channel ko pinanood ito. Tumatalon sa TV plus yung reception na sana ayusin ito ng TV plus. Pagkatapos ni Mama mag-online mass, lumipat ako sa isang TV namin at pinanood sa free channel ng A2Z sa channel 11 ang programa. Akala ko unplaced ang bansa natin sa pageant pero yung nga tinawag ang bansa natin sa top 30. Tapos ang galing ni Ahtisa lumaban siya hanggang na siya sa Miss Q and A round. Sa unang question medyo hindi convince sa sagot niya pero bumawi naman siya sa final Q and A. Expect ko 1st runner up siya o siya ang winner pero Mexico ang siyang nagwaging winner. Tie na ang Mexico at Philippines sa dami ng crown sa Miss Universe. Si Miss Mexico rin yung nag-walk out sa meeting ng pageant kaya siguro parang naging "napag-usapan" siya sa mismong pageant. Kung ako ang judge dun panalo sa akin ang Philippines. Mga kapwa ko...

Badlands

Nitong Martes nanood ako ng sine. Ayun akala ko Meet, Greet and Bye ang libreng sine para sa aming PWD at seniors, yun pala hindi. Badlands ang libreng sine na pinanood namin. Ang haba ng pila as usual. Nakaabot naman ako. I hope next week ay yung Meet, Greet and Bye na ang libreng sine. Nagustuhan ko naman ang pelikulang Predator: Badlands. Usapin ito ng paghihiganti ng kapatid sa kuya nito na pinatay ng kanilang ama. Maganda ang special effects. Maganda rin naman ang ending ng pelikula. Pero sa totoo lang wala akong hilig sa action/adventure na tema ng pelikula. Nito naman Miyerkules, nagpasa ako ng resume sa mga schools. Dalawa lang ang napasahan ko. Next year na ako uli ako mag-a-apply mga bandang April. Tutukan ko muna ang pagbebenta online ng kung ano ano. Tapos pati na rin ang pagsusulat ng short story para ibenta sa mga kakilala. Ang ganda ng NatCos ni Ahtisa sa Miss Universe. Litaw ang kultura at nakagawian ng mga Pilipino sa kanyang suot. I hope makuha niya ang Best in Nation...

Haba Ng Tulog Ko

Ngayong Sabado ang haba ng tulog ko. Ayun nakapaglive naman ako sa StarMaker kahapon. Salamat sa mga bagong followers. Nagsimula ako ng healing mass kahapon buti na lang okay yung pari. Mabilis lang yung misa. Nagpabili si Mama ng bigas, shampoo, surf at charm. Bumili nga pala kayo ng mga binebenta ko sa online pati short story ko. Bili kayo. Kahit late na ako nagising ng Sabado. Okay naman ang takbo ng araw ko. Marami akong dasal sa panginoon nung nagsimba ako kahapon. Kahit wala akong work, dapat merry pa rin ang Christmas. Merry sa pamamagitan na masaya ka at buhay sa mga panahong ito. Sa Tuesday manonood uli ako ng libreng since. Gusto ko talaga mag-business. Umorder pa ako ng hikaw para mabenta ko rito sa Borlan at Dela Costa 3 subdivision. Medyo maulan dito kanina kaya siguro nakatulog ako ng tanghali. Salamat kay Ma'am Jingle Balocos na bumili ng short story ko. Missed na kita kapatid. Hope magkita tayo soon. Excited na ako next week. Excited na ako mag-apply uli. Natuwa tal...

Here For It All CD plus X'mas Album Ni Sarah Geronimo

Ayan, pagkatapos ng matagal na paghihintay, dumating na yung order kong CD na Here For It All album ni Mariah Carey. Dalawang beses ko na siya napatugtog. Iba talaga kapag sa CD mo ito napapakinggan. So far ang ganda ng album. Pagkatapos naman ayun nakita ko sa YouTube yung full Christmas album ni Sarah Geronimo. So I download ito. Ngayon pinapatugtog ko na siya. Dapat sana mag-a-apply ako ng work. Eh suspended ang klase kaya di muna ako tumuloy. Bukas mag-a-apply na ako. Sana ma-try ko rin yung non-teaching work. Sana makahanap na ako ng work bukas. Tapos kailangan ko magtipid at kailangan ko na maibenta yung hindi ko na ginagamit sa kwarto. Bukas sana maging successful ang lakad ko. Salamat Lord sa CD na bigay mo. Ganda talaga ng mga album ni Mariah. Sana magkaroon pa ako ng maraming CD para yung passion ko sa music ay magtuloy. Happy Tuesday sa inyong lahat. Nakapag-rosary ako kanina at ang dami kong dinasal. See you again. Basa lagi ng blog ko ah. Love you all.      ...

Review Sa Book Ni Alex Gonzaga Na "Dear Alex, We're Dating. Tama Mali! Love, Catherine"

Natapos ko na nabasa ang book ni Alez Gonzaga. Marami ako natutunan sa book niya pero Hindi ako eksperto pagdating sa dating o panliligaw. Sa unang bahagi ng aklat at Tungko sa pangungumusta. Isinaad na mukhang masaya si Alex. Makulit pa rin as usualo pwede rin front niya lang ito. Ito ba ay front lang sa kaligayahan niya kahit alam niya na may mali. Isinaad sa umpisa ang pagpo-post nito ng video na hindi na hindi nag tooth brush at nagsuklay na may muta pa tapos sabay lip sync ng  "All By Myself" Sa gitna naman ng aklat ay pagbibigay ito ng sign sa pagkakaroon ng second date nito. Tulad ng pag first date niyo eh hindi niya hinahawakan ang cellphone n'ya at nakatuon lang ang atensyon niya sa'yo, focused s'ya sa'yo. Dagdag dito sa pangalawa na natatawa siya sa mga sinasabi mo. Ang ibig sabihin nu'n eh, nakyu-cute-an s'ya sa'yo. Sa huling bahagi naman ay tungkol naman ay sa mula ngayon, enjoy dating. Don't pressure and demand any guy to be with y...

Pasa Ng Resume Tapos Check Up

Kahapon nagpasa ako ng sa limang iskwelahan. Pero kutob ata parang negative. Hindi ko alam kung hiring sila. Balak ko next week dumaan ng Novaliches baka sakaling may hiring sila. Nagtataka ako kasi ko i-publish yung essay ko rito, mukha ata hindi magawa. Mahaba kasi ito. Sana next week may mahanap akong trabaho. Kailangan ko sa gamot ko para makatulong ako sa nanay ko sa gastusin. Mula rito sa San Jose tungong North Caloocan ang pinasahan ko ng resume. Sana makatanggap ako ng tawag mula sa kanila. Ngayong araw na ito, katatapos ko lang magpa-check up sa doktor. Tuloy pa rin ang gamutan ko. February ang next follow up. Pag-uwi naglaba ako ng bed cover ko at kumot. Bili nga pala kayo ng mga binebenta ko. Salamat sa maraming views sa TikTok ko. Personal kong account ko talaga iyon. Wala akong second account sa TikTok. Follow niyo po ako dun. May sipon pa rin at konting ubo. Marami akong labanan bukas dahil lumabas ako ng bahay. Sa mga school dyan na kailangan ng teacher o faculty sa coll...

Softdrinks, Rosary at Merry Christmas

Lumabas ako kanina balak ko sana bumili ng cup noodles na ibebenta ko online. Kaya lang nung makita ko sa Puregold, mahal na ito. Bumili ako ng soft drinks na ambag ko sa Pasko at Bagong Taon na handa. Umorder ako sa Lazada ng wallet. Nasira na kasi yung wallet na nabili ko rin sa Lazada dati. Ang ulan ng araw ngayon. Kung magpatuloy ito, dapat nang mag-suspend sa basic education level ang munisipalidad. Nag-rosary ako kanina. Bad news hindi ako nakapasa sa inaplayan ko. Kaninang umaga inayos ko na resume ko. Twice ko na ginawa ito. I hope finalize na ito ngayon. Bukas mag-a-apply ako. Kailangan kumilos na ako para may work na ako. Sana tumila na yung ulan para bukas ang office ng school na aaplayan ko. Nagpatugtog ako ng Merry Christmas album ni Mariah Carey. Mula download lang sa YouTube. Malapit na ang Pasko pero wala pa akong work. Bumili kayo ng mga binebenta ko online. I hope maging successful ang lakad ko bukas. I hope successful din ang check up ko sa Huwebes. Sa mga schools na...

13th Month, StarMaker and Misa

Kaninang umaga inasikaso ko na ang 13th month pay ko. Nakuha ko na at halos kalahari ng pera ang nagastos. Binilhan ko na regalo ang pamangkin ko (Christmas gift). Sana nagustuhan ko nila ang regalo. Sila ang una kong inisip. Pagkatapos bumili ako ng ibang need ko tulad ng sling bag na sa SM ko na binili kasi madali masira yung mga sling bag na mura. Ang mahal na ngayon ng mga benta sa mall. Salamat St. Clare College of Caloocan sa bigay niyo. Laking tulong ito sa paghahanap ko ng new work tapos gastusin din sa mga kailangan ko. Nag-Jollibee na rin ako dahil matagal na yung huli. Binilhan ko ng pasalubong si Mama at Papa ng banana cake. Nagbigay din ako sa pulubi ng limos. Nagtirik ng orange na kandila na may kinalaman sa work. Nag-cover na rin ako ng mga kanta sa StarMaker. Lunes pero maulan. May bagyo nga kasi sabi sa news. Follow niyo ako sa StarMaker. Masaya at masarap ang pakiramdam ko kapag kumakanta ako. Parang bitamina rin ito sa buhay. Ay nga pala. Yung mga USB ng mga students...

All Saints Day, Profile Pic, Atang, at Me Day

All Saints Day ngayon, pero sumasabay na rin ito sa araw ng mga patay. Pahalagahan natin ang ating mga Santo at Santa. Si St. Mary ang isa sa paborito kong Santo. Ang ina Jesus. Nag-aral ako sa Mother Mary School kaya paborito ko si St. Mary na Santo. Dinadasal ko sa mga santo na palagi nila pagalingin sa mga sakit na nararamdaman ko sa katawan. Paggising ko sa umaga, binago ko na ang profile pic ko sa social media. Last profile picture ko na ito sa soc meds account ko at ang next nito ay sa Enero 2026 na. Hindi ko masyado gusto ang  profile pic ko. Pero okay lang bawi na lang ako sa Enero. Sana magawa ko uli ang profile pic na mula sa studio pic na papagawa ko. Iba kasi kapag studio galing ang profile pic. Nag-alay ng atang ang aking ina sa mga kaluluwa na gusto kumain ng mga handa namin. Kaugalian ito ng mga Pilipino na ginagawa kapag holiday tulad ng pasko, birthday at iba pa. Wari rin ang isang tawag dito. Dahil bihira naman ito mangyari sa pamilya. Sinasadya ni Mama na magluto...