Ayan, pagkatapos ng matagal na paghihintay, dumating na yung order kong CD na Here For It All album ni Mariah Carey. Dalawang beses ko na siya napatugtog. Iba talaga kapag sa CD mo ito napapakinggan. So far ang ganda ng album. Pagkatapos naman ayun nakita ko sa YouTube yung full Christmas album ni Sarah Geronimo. So I download ito. Ngayon pinapatugtog ko na siya.
Dapat sana mag-a-apply ako ng work. Eh suspended ang klase kaya di muna ako tumuloy. Bukas mag-a-apply na ako. Sana ma-try ko rin yung non-teaching work. Sana makahanap na ako ng work bukas. Tapos kailangan ko magtipid at kailangan ko na maibenta yung hindi ko na ginagamit sa kwarto. Bukas sana maging successful ang lakad ko.
Salamat Lord sa CD na bigay mo. Ganda talaga ng mga album ni Mariah. Sana magkaroon pa ako ng maraming CD para yung passion ko sa music ay magtuloy. Happy Tuesday sa inyong lahat. Nakapag-rosary ako kanina at ang dami kong dinasal. See you again. Basa lagi ng blog ko ah. Love you all.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento