Kaninang umaga inasikaso ko na ang 13th month pay ko. Nakuha ko na at halos kalahari ng pera ang nagastos. Binilhan ko na regalo ang pamangkin ko (Christmas gift). Sana nagustuhan ko nila ang regalo. Sila ang una kong inisip. Pagkatapos bumili ako ng ibang need ko tulad ng sling bag na sa SM ko na binili kasi madali masira yung mga sling bag na mura.
Ang mahal na ngayon ng mga benta sa mall. Salamat St. Clare College of Caloocan sa bigay niyo. Laking tulong ito sa paghahanap ko ng new work tapos gastusin din sa mga kailangan ko. Nag-Jollibee na rin ako dahil matagal na yung huli. Binilhan ko ng pasalubong si Mama at Papa ng banana cake. Nagbigay din ako sa pulubi ng limos. Nagtirik ng orange na kandila na may kinalaman sa work.
Nag-cover na rin ako ng mga kanta sa StarMaker. Lunes pero maulan. May bagyo nga kasi sabi sa news. Follow niyo ako sa StarMaker. Masaya at masarap ang pakiramdam ko kapag kumakanta ako. Parang bitamina rin ito sa buhay. Ay nga pala. Yung mga USB ng mga students ko SA second sem ay nasa guard na. Kunin niyo na dun. Lahat nasa supot na. Maraming salamat Sir Ed sa tulong mo.
Naghihintay na ako ng misa ng 6pm. Marami akong dasal sa taas. Kailangan Monday magmisa ako para okay buong week. Salamat sa Diyos sa biyayang binigay mo sa akin. Salamat sa gabay at pagpapalala na binibigay mo kapag may kailangan ako. Maging maligaya po sana ang buhay ko. Ganun din ang mga mahal ko sa buhay.
O simba muna ako online. Abangan niyo next blog post ko. See you. Have a great week! Mabuhay tayo!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento