Lumabas ako kanina balak ko sana bumili ng cup noodles na ibebenta ko online. Kaya lang nung makita ko sa Puregold, mahal na ito. Bumili ako ng soft drinks na ambag ko sa Pasko at Bagong Taon na handa. Umorder ako sa Lazada ng wallet. Nasira na kasi yung wallet na nabili ko rin sa Lazada dati. Ang ulan ng araw ngayon. Kung magpatuloy ito, dapat nang mag-suspend sa basic education level ang munisipalidad.
Nag-rosary ako kanina. Bad news hindi ako nakapasa sa inaplayan ko. Kaninang umaga inayos ko na resume ko. Twice ko na ginawa ito. I hope finalize na ito ngayon. Bukas mag-a-apply ako. Kailangan kumilos na ako para may work na ako. Sana tumila na yung ulan para bukas ang office ng school na aaplayan ko.
Nagpatugtog ako ng Merry Christmas album ni Mariah Carey. Mula download lang sa YouTube. Malapit na ang Pasko pero wala pa akong work. Bumili kayo ng mga binebenta ko online. I hope maging successful ang lakad ko bukas. I hope successful din ang check up ko sa Huwebes. Sa mga schools na kulang ng teacher, i-hire niyo po me. Kailangan ko po ng work.
Salamat sa support niyo. Happy Tuesday. Stay safe and dry. See you again. Abangan ang next post ko sa blog. Mabuhay tayong Lahat!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento