Sabado, hindi na ako madalas gumagala. Hindi pa rin nawawala sa usapin ang Miss Universe na naganap kahapon. Ang dami nang usapin ang naganap sa bansa natin. Nariyan na yung flood control project na binansagang ghost. Yung issue ng droga na kinakaharap ng ating pangulo. Tapos yung sentensya ni Alice Go sa issue ng POGO sa Tarlac. Sa katunayan kahit marami tayong problema, nagagawa pa rin ng mga Pilipino na ngumiti at maging masaya sa kabila ng maraming problema.
Next week ang aabangan ko ang UAAP cheer dance competition na gaganapin sa Sabado next week. Panoorin ko ito sa One Sports sa TV dito sa kwarto na first time kong gaganapin. Tapos sana mapanood ko ang Meet, Greet and Bye sa Tuesday sa sinehan. Tuloy pa rin ako sa pagbebenta online. Bili naman kayo. Pm niyo lang ako. Sa kabila ng problema ng bayan, ang laban ni Ahtisa sa Miss Universe ang siyang nakabawas sa hirap na natatamasa ng Pilipino sa araw-araw na pamumuhay nito.
Hindi ako mahilig sa drama, after Pepito eto na nagsulat na ako while nakikinig sa music. Kahapon ang dami kong dinasal sa simbahan. Maayos na rin yung pari at hindi na matagal ang misa. Isa sa mga bagay na kaugalian ng Pilipino ay ang pagiging positibo sa lahat ng nararanasan nitong paghihirap. Naniniwala pa rin tayong mga Pilipino na kapag may Problema tayo ay magagawa natin ito ng solusyon which is maganda sa kaugalian natin.
Maibsan na sana ang kurapsyon ng bansa natin. Ibigay nila ang pera ng bayan sa mga nangangailangan. Sa mga may sakit, sa mga nagugutom, sa mga maliliit ang kinikita, sa mga seniors citizen at PWD, sa illiterate na dapat itaas ang budget sa edukasyon. Magkaroon tayo ng maayos na kalsada. Maibsan ang traffic. Gumawa ng maraming trabaho. Palakasin ang sandatahan lakas, palakasin ang piso. Murang kuryente at tubig. Tapos maayos na tahanan. Sana itong mga ito ay mabigay sa mga Pilipino. Kapag ganito, uunlad ang bansa natin.
Hindi ko nasagi sa isip ko na pumasok sa politika. Ako ay nasa mundo ng pagtuturo. Tinuturo ko sa mga students ko na maging mabuting tao aside na maging excellent sa academics. Kailangan ko mag-energize para may lakas na magturo sa susunod na taon. Ako ay nakatuon muna sa pagbi-business. I hope na Masaya ang weekends niyo. Laban lang Pilipino. Aasenso ka rin. May hope pa rin sa bansa nating Pilipinas.
O siya bukas Sunday. Nakapagsimba na ako. Magsimba kayo dahil ang dasal ay malaking tulong sa atin para masolusyonan ang problema natin. Abangan niyo lang mga post ko rito. See you. Be happy and kind to everyone. Love you all. Thanks sa support niyo lagi.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento