Nakakatapos na naman ako ng isang libro na babasahin. Ito ay ang The Iwas Sawi Project na sinular ni Marcelo Santos III at Rhadson Mendoza. Sa unang bahagi na aklat ay tinalakay nito na lahat ng tao ay nakaranas nang ma-broken hearted - unless Isa ka sa mga swerteng taong may immunity kay Tadhana and I guess, walang ganun. So yes, nasaktan ka rin noon o masasaktan pa lang dahil ganun magtrabaho si Destiny.
Sa gitna naman na bahagi ng aklat tinalakay nito na napakahirap nga naman talaga kapag naranasan mo ang ganitong format ng relasyon. Yung hawak mo ang kamay, pero hindi naman sayo. Para bang hindi mo alam ang susunod na bwelong gagawin mo dahil alam kung ano kung ano ang patutunguhan ng relasyong mayroon kayo.
Sa huli naman na bahagi ng aklat ay tinalakay nito na ang pagiging sawi naman, hindi yan totally maiiwasan. May mga nasasawi sa larangan ng trabaho, pangarap, pag-aaral, relasyong sa pamilya at sa ibang tao. Maraming 'pain' tayong mararamdaman sa future pero ang librong ito ang magsasabi sa iyong kinaya nga noon, kakayanan mo rin naman uli Ngayon.
Sa aklat na ito natuwa ako. Maganda yung huling bahagi ng aklat. Importante na makabangon mula sa pagkakasawi. Ako mismo, nakaramdam din ako na nasawi ako sa pag-ibig. Pero natuto rin akong bumangon. Sana tinalakay din dito yung sawi bilang isang tao na minalas talaga siya sa pag-ibig pero hindi niya iyon inisip basta ang importante sa kanya ay mahal siya ng pamilya nito at mga kaibigan. Ako na lumaking single. Happy na ako na mahal ako ng pamilya ko at mga kaibigan ko.
Salamat Marcelo Santos III at Rhadson Mendoza dahil napakaganda na book niyo at may aral ito sa mga nakakaranas ng sawi sa pag-ibig. Mabuhay kayo! Although sa ganyang usapin ay hindi Ako eksperto pero may napulot akong aral sa aklat niyo. At sana marami pa kayong aklat na masulat. Sa mga books readers at yung mga sawi sa pag-ibig, basahin niyo itong aklat na ito. I recommend this para sa inyo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento