Natapos ko na nabasa ang book ni Alez Gonzaga. Marami ako natutunan sa book niya pero Hindi ako eksperto pagdating sa dating o panliligaw.
Sa unang bahagi ng aklat at Tungko sa pangungumusta. Isinaad na mukhang masaya si Alex. Makulit pa rin as usualo pwede rin front niya lang ito. Ito ba ay front lang sa kaligayahan niya kahit alam niya na may mali. Isinaad sa umpisa ang pagpo-post nito ng video na hindi na hindi nag tooth brush at nagsuklay na may muta pa tapos sabay lip sync ng "All By Myself"
Sa gitna naman ng aklat ay pagbibigay ito ng sign sa pagkakaroon ng second date nito. Tulad ng pag first date niyo eh hindi niya hinahawakan ang cellphone n'ya at nakatuon lang ang atensyon niya sa'yo, focused s'ya sa'yo. Dagdag dito sa pangalawa na natatawa siya sa mga sinasabi mo. Ang ibig sabihin nu'n eh, nakyu-cute-an s'ya sa'yo.
Sa huling bahagi naman ay tungkol naman ay sa mula ngayon, enjoy dating. Don't pressure and demand any guy to be with you and to promise you the future you want. Si Lord na ang bahala sa future mo. Start to walk by faith and not by sight. Dagdag nito na naniniwala si Alex na sa hinaba-haba man ng prusisyon may isang taong para sa'yo, na dadalhin ka hanggang sa simbahan. Iyon ang samahan mo.
Nagpasalamat si Alex sa huli. Ang aklat ay para sa iyo. Alam mo kung sino ka. Dahil nabasa mula sa acknowledgement page, isa ka roon. Salamat at mahal kita saad niya. To God be the Glory!!! Thank you Jesus Christ!!!
Kung ako ang tatanungin sa panahon ngayon makabago na ang buhay ng dating. Minsan nagagawa na ito sa video calling sa zoom o messenger lalo na kapag long distance relationship. Hindi ito nabanggit sa book. Mahusay si Alex kasi nagawa niyang magsulat ng aklat na makakatulong sa kababaihan para magabayan sila sa dating o panliligaw. Women empowerment din ito kasi tinataas dito ang kababaihan sa pamamagitan ng dating. Sa mga mahihirap o nasa laylayan ng lipunan, sa mga libreng park sila tulad ng Rizal Park o Circle madalas sila nag-de-date.
Middle class to above class kasi si Alex kaya sa mga lugar na mamahalin ang venue ng kanyang dating na hindi naman masama dahil iyon ang katayuan niya sa buhay. Sa karanasan ko, sa SM lang ako madalas Kumain with friends, kaya friendly date ang version ko kapag dating ang usapin sa akin. Ang panliligaw ay bahagi ng ating kultura. Pinapakakita rito ang kasiyahan ng dalawang magkapareha sa panahon na kung sila ba ang karapat-dapat sa isa't isa na dapat magkatuluyan sa hinaharap.
Nabago man ang pustura ng dating, hindi pa rin nawawala ang core nito na ginagawa na ng mga Pilipino noon pa man. Makikita natin ito sa mga lungsod o sa syudad. Mayaman man sila o mahirap. Salamat Alex sa ambag mong aklat. Maraming matutunan ang mga babae rito sa gabay na binigay mo sa kanila sa dating. Sana magtuloy tuloy pa ito para mahanap ng mga kababaihan ang kanilang future na mamahalin at mapapangasawa sa hinaharap. Mabuhay ka Alex! Mabuhay ang Filipino dating na bahagi ng ating buhay bilang mga Pilipino.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento