So eto na nga. Pinalabas na sa mga seniors at PWD ang pelikulang Meet, Greet and Bye. Ang habang ng pila. Sana napanood niyo ang video ko sa YouTube na nandoon ako sa sinehan. Hindi maman ako naiyak sa pelikula. Pero na-feel ko yung puso ng pelikula. Alam ko yung feeling ng may cancer. Kasi ganun din ako. Na nagkaroon din ako dati ng cancer.
Lahat ng cast mahusay ang pagkakaganap. Lalo na si Piolo Pascual, joshua Garcia, Juan Karlos at ang Diamond Star na si Maricel Soriano. Nakakatawa na nakakaiyak ang pelikulang ito. Pinaparamdam nito na dapat mahalin natin ang ating pamilya. At huwak sumuko sa oras na may pagsubok na kinahaharap sa bawat miyembro na pamilya.
Pagdating sa ganito, mahusay talaga ang Star Cinema na mag-produce na ganitong pelikulang na tema tungkol sa pamilya. For sure may makakatanggap ng award ang isa sa mga cast ng pelikulang ito sa award giving bodies like Star Awards, FAMAS, Urian at Luna Awards. Sa pelikulang ito, pahalagahan niyo ang pamilya niyo. Blood is thicker than water ika nga.
9 or 10 out of 10 ang rate ko sa pelikula. Hindi lang ito drama, may Kasama rin itong comedy. Siguro ang ilang seniors na kasama ko ay naka-relate sa pelikulang ito. Sa mga magkakapatid na nagtatalo-talo itong pelikulang ito ay magpapakita sa inyo na matutong magpakumbaba. Iwasan ang pag-aaway ng mga magkakapatid. Matuto patawarin ang bawat Isa sa pagkakamali na ginawa.
Sa may cancer laban lang kayo. Kaya niyo labanan ang cancer lalo na kung maagapan ito. Salamat Star Cinema sa ganitong uri ng pelikula. Mas minamahal ko ang pamilya ko dahil dito. See you again readers ng blog ko. Lagi kayo magbabasa ng post ko ah. Love you all. Happy Tuesday. Maging masaya kayo palagi. Maging mabuti sa kapwa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento