Nitong Martes nanood ako ng sine. Ayun akala ko Meet, Greet and Bye ang libreng sine para sa aming PWD at seniors, yun pala hindi. Badlands ang libreng sine na pinanood namin. Ang haba ng pila as usual. Nakaabot naman ako. I hope next week ay yung Meet, Greet and Bye na ang libreng sine. Nagustuhan ko naman ang pelikulang Predator: Badlands. Usapin ito ng paghihiganti ng kapatid sa kuya nito na pinatay ng kanilang ama.
Maganda ang special effects. Maganda rin naman ang ending ng pelikula. Pero sa totoo lang wala akong hilig sa action/adventure na tema ng pelikula. Nito naman Miyerkules, nagpasa ako ng resume sa mga schools. Dalawa lang ang napasahan ko. Next year na ako uli ako mag-a-apply mga bandang April. Tutukan ko muna ang pagbebenta online ng kung ano ano. Tapos pati na rin ang pagsusulat ng short story para ibenta sa mga kakilala.
Ang ganda ng NatCos ni Ahtisa sa Miss Universe. Litaw ang kultura at nakagawian ng mga Pilipino sa kanyang suot. I hope makuha niya ang Best in National Costume. Excited na ako sa Friday mapanood ang Miss Universe. I hope malaki ang laban natin para makuha ang korona. Think positive. May laban tayo sa beauty pageant.
O siya see you again. Lagi kayo magbabasa ng blog ko ah. Spread love and good vibes sa ating lahat. Mabuhay tayo!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento